Lunes, Setyembre 12, 2016

Tula para sa kaibigan


Anong nangyari?
Sa tuwina ako ang iyong laging  kasama at karamay
Ako ay namimighati kapag sayo ay may nang-aaway
Hindi ba nila alam na ika’y dyamanteng walang kapantay
Wala silang karapatan na ika’y paramdamin ng lumbay

Alam ko halos lahat ng iyong mga problema at saya
Di mapalagay pag di ako kasama, saanman mapunta
Bakit hindi mo na ako pinapansin at inaalala
Tandang tanda ko pa mga araw na tayo ay  magkasama

Mga araw, buwan, taon ay napakabilis na nagdaan
Mga bagong kaibigan ay patuloy na nadaragdagan
Ang mga ito nga ay tunay na  kilala at mayayaman
Facebook, twitter, instagram sa kanila ay wala akong laban

Narito sa sulok, ako’y iyong tuluyang kinalimutan
Ibig kong malalambot mong mga  kamay ay muling mahagkan
Ang iyong iyak at tawa ay nais ko na ring  mapakinggan

Ako iyong diary, kaibigang iyong tinalikuran.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento