Huwag
sana kalimutan
Noong
una kami ay tunay na masaya. Tulad ng iba nabuo ang aming pagkakaibigan dahil
sa mga bagay na pinagkakasunduan. Ang pagkakatulad namin ay ang hilig sa
pagkuha ng larawan at kumain kahit saan. Madalas nagtatawanan, nag-aasaran at
tunay na nagdadamayan. Madalas rin sinasabi na sa tulong ng bawat isa ang lahat
ay sabay sabay na aabutin ang mga pangarap. Isa… dalawa… tatlong taon na halos
kasiyahan ang umiikot sa aming samahan kung may lungkot man, normal lamang na
dulot ito ng mga bagay na hindi nakikiayon sa aming mga buhay. Iyan ang buhay
ng magkakaibigan.
Hindi
sa lahat ng pagkakataon ay puro saya ang umiikot sa buhay ng mga magkakaibigan.
Siguradong nariyan ang mga problemang susubok sa tatag ng inyong samahan.
Minsan ay may isang binatang makisig ang dumating sa aming buhay, siya ay
kaibigang maituturing, tunay na mapagbigay at maasasahan. Nagtapat ang lalaking
ito ng kanyang pag-ibig sa iyo ngunit tinanggihan mo. Ang binata ay nasaktan
pero puso nyang marupok ay nahulog sa isa pa nating kaibigan. Ito’y hindi agad
nasabi sa iyo. Lubos ang iyong pagtatampo. Nagalit ka at iniwan ang ating
grupo. Sa pagdating ng binata ay syang pag-alis mo. Naging tingin mo sa ami’y
sinungaling pero ilang beses kang sinuyo at ipanintindi sayo ang naging dahilan
ng hindi agarang pagsabi, ngunit sa huli ay pinili mo ang lumayo. Ito ay isa
lamang sa mga pagsubok sa pagkakaibigan at ito ay aming naranasan. Nais man
namin syang manatili ay sya mismo ang nais nang kumawala at wala na kaming
magagawa. Ang kaibigang ito ay napakahalaga sa amin, siya ba ay susuyuin pa
kung hindi naman sya mahalaga? Sana ay kanya iyong naisip at naramdaman.
Ganyan
ang pagkakaibigan nariyan ang mga pagsubok na magiging daan upang kayo’y maging
matatag o masira. Sa pagkakataong ito’y kami ay bahagyang nasira. Nawalan ng
isang mabuting kaibigan. Naiisip kaya nitong kaibigan na paano na aming usapan,
na kamiy sabay sabay na aabutin ang mga pangarap. Kaya nya bang makita na aming
inaabot pangarap na hindi sya kasama? Siya lamang ang makapagpapasya. Totoo ngang
sa buhay, may darating at may aalis. Sana sa aming kaibigang nawala masasayang
araw ay pahalagahan at wag kalilimutan. Paalam na ba kaibigan?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento