Isang
magandang umaga sa inyong lahat. Lubos akong nasisiyahan na makita kayong lahat
sa natatanging okasyon na ito. Nawa’y ang lahat ng aking sasabihin ay kumintal
sa inyong puso’t isipan.
Totoo
ngang nabubuhay na tayo sa napakamodernong panahon. May mga bagay na tila ba
normal na lamang. Mayroon tayong pagpapahalagang moral na tila ba naisasantabi
na. Ano ba ang pagpapahalagang moral o moralidad? Ito ang matalinong pagpili sa
tama o mali. Ang 6 na pagpapahalagang moral na ito ay ang mga sumusunod. pag-ibig sa Maylikha, pagrespeto sa awtoridad,
pagpapahalaga sa buhay, pagpanig sa katotohanan, tamang paggamit ng mga
materyal na bagay, at pagrespeto sa kasarian ng bawat indibidwal.
Ang
paninigarilyo, paggamit ng droga/marijuana, pag-inom, at pakikipagtalik ng
hindi kasal. Ang mga ito ay nagpapatunay na hindi pagrerespeto ng buhay. Ang
ilan ay naninigarilyo dahil pampawala stress raw, alam nyo ba na ang nikotina
ay nagdaragdag lamang ng stress hormone. Naaapektuhan rin nito ang baga mo, bato,
at puso na maaaring mauwi sa kanser. Mayroon ring mga tao ang pinipiling gumamit
ng marijuana dahil mas ligtas raw ito kumpara sa sigarilyo. Isang kamalian. Sa
katunayan mas marami ng limang beses ang nakalalasong carbon monoxide ng
marijuana. Sa pag-inom naman ay nagkukulang ng oxygen ang utak na dahilan ng
pagkasira ng mahahalagang sangkap ng katawan. Sa pakikipagtalik ng hindi kasal,
ayon nga sa isang DJ na si Papa Jack, ang mga babae o lalaki man ay napagastos
sa mga kagamitan para katawan. Kaya
huwag mong ibibigay ng libre ito sa kung sino man. Para mo na ring pinababa ang
halaga mo. Hayaang bayaran/ pagsikapan ito sa pamamagitan ng kasal.
Nariyan
rin ang kawalan ng pag-ibig sa katotohanan. Isa riyan ang pangongopya. Sa
simpleng pagtanong mo pa lamang ng sagot tuwing pagsusulit sa iyong katabi ay
hindi ka na nagiging totoo sa iyong sarili.
Ang
huli ay ang kawalan ng takot sa Panginoon. Kung ang isa ay walang takot sa
Diyos, madali na lamang para sa kanyan ang suwayin ang kanyang mga magulang o
kahit sino pang nakatataas sa lipunang kinabibilangan.
Mayroon
3 paraan na makatulong sa inyo upang malampasan ang mga ito.
Una,
mag-isip. Isipin ang maaaring maging epekto nito kung ikay magpapadala sa iba.
Maaaring maging masaya ka nga ngunit panandaliang kaligayan lamang ito na
maaring mauwi sa kapahamakan. Ikalawa, magplano. Kapag ginigipit ka ng iba,
pagplanuhan mo kung ano ang sasabihin at gagawin mo. Ipaliwanag mo sa kanila
ang paniniwala mo sa mahinahong paraan. Ikatlo, manindigan. Hindi ka nila
titigilan sa panggigipit sa’yo. Pero kung mapapanindigan mo ang iyong
paniniwala. Maaari mo silang tanggihan ng hindi naman nasa tonong naghahanap ng
away.
Maaaring
naiisip mo na mahirap abutin ang mga pagpapahalagang moral na ito. Dapat kang
makipagsabayan sa iba upang patunayan na magaling ka at kaya mo rin ang
ginagawa nila. Madalas kang naprepressure. Huwag kang mag-alala, hindi lamang
ikaw ang nakararanas ng ganito. Ngunit kahit ganun marami pa rin ang nagawang
mapagtagumpayan ang pressure ng mga taong nasa paligid nila. Sana, ikaw rin.
Kaya mo ba?
Sanggunian:
Ang mga tanong ng mga kabataan, mga sagot na lumulutas TOMO 1 AT 2. Aklat ng
mga Saksi ni Jehova.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento