Lunes, Setyembre 12, 2016

Tula para sa kaibigan


Anong nangyari?
Sa tuwina ako ang iyong laging  kasama at karamay
Ako ay namimighati kapag sayo ay may nang-aaway
Hindi ba nila alam na ika’y dyamanteng walang kapantay
Wala silang karapatan na ika’y paramdamin ng lumbay

Alam ko halos lahat ng iyong mga problema at saya
Di mapalagay pag di ako kasama, saanman mapunta
Bakit hindi mo na ako pinapansin at inaalala
Tandang tanda ko pa mga araw na tayo ay  magkasama

Mga araw, buwan, taon ay napakabilis na nagdaan
Mga bagong kaibigan ay patuloy na nadaragdagan
Ang mga ito nga ay tunay na  kilala at mayayaman
Facebook, twitter, instagram sa kanila ay wala akong laban

Narito sa sulok, ako’y iyong tuluyang kinalimutan
Ibig kong malalambot mong mga  kamay ay muling mahagkan
Ang iyong iyak at tawa ay nais ko na ring  mapakinggan

Ako iyong diary, kaibigang iyong tinalikuran.

Maikling Kwento

Huwag sana kalimutan
Noong una kami ay tunay na masaya. Tulad ng iba nabuo ang aming pagkakaibigan dahil sa mga bagay na pinagkakasunduan. Ang pagkakatulad namin ay ang hilig sa pagkuha ng larawan at kumain kahit saan. Madalas nagtatawanan, nag-aasaran at tunay na nagdadamayan. Madalas rin sinasabi na sa tulong ng bawat isa ang lahat ay sabay sabay na aabutin ang mga pangarap. Isa… dalawa… tatlong taon na halos kasiyahan ang umiikot sa aming samahan kung may lungkot man, normal lamang na dulot ito ng mga bagay na hindi nakikiayon sa aming mga buhay. Iyan ang buhay ng magkakaibigan.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro saya ang umiikot sa buhay ng mga magkakaibigan. Siguradong nariyan ang mga problemang susubok sa tatag ng inyong samahan. Minsan ay may isang binatang makisig ang dumating sa aming buhay, siya ay kaibigang maituturing, tunay na mapagbigay at maasasahan. Nagtapat ang lalaking ito ng kanyang pag-ibig sa iyo ngunit tinanggihan mo. Ang binata ay nasaktan pero puso nyang marupok ay nahulog sa isa pa nating kaibigan. Ito’y hindi agad nasabi sa iyo. Lubos ang iyong pagtatampo. Nagalit ka at iniwan ang ating grupo. Sa pagdating ng binata ay syang pag-alis mo. Naging tingin mo sa ami’y sinungaling pero ilang beses kang sinuyo at ipanintindi sayo ang naging dahilan ng hindi agarang pagsabi, ngunit sa huli ay pinili mo ang lumayo. Ito ay isa lamang sa mga pagsubok sa pagkakaibigan at ito ay aming naranasan. Nais man namin syang manatili ay sya mismo ang nais nang kumawala at wala na kaming magagawa. Ang kaibigang ito ay napakahalaga sa amin, siya ba ay susuyuin pa kung hindi naman sya mahalaga? Sana ay kanya iyong naisip at naramdaman.
Ganyan ang pagkakaibigan nariyan ang mga pagsubok na magiging daan upang kayo’y maging matatag o masira. Sa pagkakataong ito’y kami ay bahagyang nasira. Nawalan ng isang mabuting kaibigan. Naiisip kaya nitong kaibigan na paano na aming usapan, na kamiy sabay sabay na aabutin ang mga pangarap. Kaya nya bang makita na aming inaabot pangarap na hindi sya kasama? Siya lamang ang makapagpapasya. Totoo ngang sa buhay, may darating at may aalis. Sana sa aming kaibigang nawala masasayang araw ay pahalagahan at wag kalilimutan. Paalam na ba kaibigan?

Pagpapahalagang Moral, talumpati

Isang magandang umaga sa inyong lahat. Lubos akong nasisiyahan na makita kayong lahat sa natatanging okasyon na ito. Nawa’y ang lahat ng aking sasabihin ay kumintal sa inyong puso’t isipan.
Totoo ngang nabubuhay na tayo sa napakamodernong panahon. May mga bagay na tila ba normal na lamang. Mayroon tayong pagpapahalagang moral na tila ba naisasantabi na. Ano ba ang pagpapahalagang moral o moralidad? Ito ang matalinong pagpili sa tama o mali. Ang 6 na pagpapahalagang moral na ito ay ang mga sumusunod.  pag-ibig sa Maylikha, pagrespeto sa awtoridad, pagpapahalaga sa buhay, pagpanig sa katotohanan, tamang paggamit ng mga materyal na bagay, at pagrespeto sa kasarian ng bawat indibidwal.
Ang paninigarilyo, paggamit ng droga/marijuana, pag-inom, at pakikipagtalik ng hindi kasal. Ang mga ito ay nagpapatunay na hindi pagrerespeto ng buhay. Ang ilan ay naninigarilyo dahil pampawala stress raw, alam nyo ba na ang nikotina ay nagdaragdag lamang ng stress hormone. Naaapektuhan rin nito ang baga mo, bato, at puso na maaaring mauwi sa kanser. Mayroon ring mga tao ang pinipiling gumamit ng marijuana dahil mas ligtas raw ito kumpara sa sigarilyo. Isang kamalian. Sa katunayan mas marami ng limang beses ang nakalalasong carbon monoxide ng marijuana. Sa pag-inom naman ay nagkukulang ng oxygen ang utak na dahilan ng pagkasira ng mahahalagang sangkap ng katawan. Sa pakikipagtalik ng hindi kasal, ayon nga sa isang DJ na si Papa Jack, ang mga babae o lalaki man ay napagastos sa mga kagamitan para katawan.  Kaya huwag mong ibibigay ng libre ito sa kung sino man. Para mo na ring pinababa ang halaga mo. Hayaang bayaran/ pagsikapan ito sa pamamagitan ng kasal.
Nariyan rin ang kawalan ng pag-ibig sa katotohanan. Isa riyan ang pangongopya. Sa simpleng pagtanong mo pa lamang ng sagot tuwing pagsusulit sa iyong katabi ay hindi ka na nagiging totoo sa iyong sarili.
Ang huli ay ang kawalan ng takot sa Panginoon. Kung ang isa ay walang takot sa Diyos, madali na lamang para sa kanyan ang suwayin ang kanyang mga magulang o kahit sino pang nakatataas sa lipunang kinabibilangan.
Mayroon 3 paraan na makatulong sa inyo upang malampasan ang mga ito.
Una, mag-isip. Isipin ang maaaring maging epekto nito kung ikay magpapadala sa iba. Maaaring maging masaya ka nga ngunit panandaliang kaligayan lamang ito na maaring mauwi sa kapahamakan. Ikalawa, magplano. Kapag ginigipit ka ng iba, pagplanuhan mo kung ano ang sasabihin at gagawin mo. Ipaliwanag mo sa kanila ang paniniwala mo sa mahinahong paraan. Ikatlo, manindigan. Hindi ka nila titigilan sa panggigipit sa’yo. Pero kung mapapanindigan mo ang iyong paniniwala. Maaari mo silang tanggihan ng hindi naman nasa tonong naghahanap ng away.

Maaaring naiisip mo na mahirap abutin ang mga pagpapahalagang moral na ito. Dapat kang makipagsabayan sa iba upang patunayan na magaling ka at kaya mo rin ang ginagawa nila. Madalas kang naprepressure. Huwag kang mag-alala, hindi lamang ikaw ang nakararanas ng ganito. Ngunit kahit ganun marami pa rin ang nagawang mapagtagumpayan ang pressure ng mga taong nasa paligid nila. Sana, ikaw rin. Kaya mo ba?


Sanggunian: Ang mga tanong ng mga kabataan, mga sagot na lumulutas TOMO 1 AT 2. Aklat ng mga Saksi ni Jehova.