thank you my Romeo, i love you
Flying
Biyernes, Setyembre 16, 2016
Lunes, Setyembre 12, 2016
Tula para sa kaibigan
Anong nangyari?
Sa
tuwina ako ang iyong laging kasama at karamay
Ako
ay namimighati kapag sayo ay may nang-aaway
Hindi
ba nila alam na ika’y dyamanteng walang kapantay
Wala
silang karapatan na ika’y paramdamin ng lumbay
Alam
ko halos lahat ng iyong mga problema at saya
Di
mapalagay pag di ako kasama, saanman mapunta
Bakit
hindi mo na ako pinapansin at inaalala
Tandang
tanda ko pa mga araw na tayo ay magkasama
Mga
araw, buwan, taon ay napakabilis na nagdaan
Mga
bagong kaibigan ay patuloy na nadaragdagan
Ang
mga ito nga ay tunay na kilala at
mayayaman
Facebook,
twitter, instagram sa kanila ay wala akong laban
Narito
sa sulok, ako’y iyong tuluyang kinalimutan
Ibig
kong malalambot mong mga kamay ay muling
mahagkan
Ang
iyong iyak at tawa ay nais ko na ring mapakinggan
Ako
iyong diary, kaibigang iyong tinalikuran.
Maikling Kwento
Huwag
sana kalimutan
Noong
una kami ay tunay na masaya. Tulad ng iba nabuo ang aming pagkakaibigan dahil
sa mga bagay na pinagkakasunduan. Ang pagkakatulad namin ay ang hilig sa
pagkuha ng larawan at kumain kahit saan. Madalas nagtatawanan, nag-aasaran at
tunay na nagdadamayan. Madalas rin sinasabi na sa tulong ng bawat isa ang lahat
ay sabay sabay na aabutin ang mga pangarap. Isa… dalawa… tatlong taon na halos
kasiyahan ang umiikot sa aming samahan kung may lungkot man, normal lamang na
dulot ito ng mga bagay na hindi nakikiayon sa aming mga buhay. Iyan ang buhay
ng magkakaibigan.
Hindi
sa lahat ng pagkakataon ay puro saya ang umiikot sa buhay ng mga magkakaibigan.
Siguradong nariyan ang mga problemang susubok sa tatag ng inyong samahan.
Minsan ay may isang binatang makisig ang dumating sa aming buhay, siya ay
kaibigang maituturing, tunay na mapagbigay at maasasahan. Nagtapat ang lalaking
ito ng kanyang pag-ibig sa iyo ngunit tinanggihan mo. Ang binata ay nasaktan
pero puso nyang marupok ay nahulog sa isa pa nating kaibigan. Ito’y hindi agad
nasabi sa iyo. Lubos ang iyong pagtatampo. Nagalit ka at iniwan ang ating
grupo. Sa pagdating ng binata ay syang pag-alis mo. Naging tingin mo sa ami’y
sinungaling pero ilang beses kang sinuyo at ipanintindi sayo ang naging dahilan
ng hindi agarang pagsabi, ngunit sa huli ay pinili mo ang lumayo. Ito ay isa
lamang sa mga pagsubok sa pagkakaibigan at ito ay aming naranasan. Nais man
namin syang manatili ay sya mismo ang nais nang kumawala at wala na kaming
magagawa. Ang kaibigang ito ay napakahalaga sa amin, siya ba ay susuyuin pa
kung hindi naman sya mahalaga? Sana ay kanya iyong naisip at naramdaman.
Ganyan
ang pagkakaibigan nariyan ang mga pagsubok na magiging daan upang kayo’y maging
matatag o masira. Sa pagkakataong ito’y kami ay bahagyang nasira. Nawalan ng
isang mabuting kaibigan. Naiisip kaya nitong kaibigan na paano na aming usapan,
na kamiy sabay sabay na aabutin ang mga pangarap. Kaya nya bang makita na aming
inaabot pangarap na hindi sya kasama? Siya lamang ang makapagpapasya. Totoo ngang
sa buhay, may darating at may aalis. Sana sa aming kaibigang nawala masasayang
araw ay pahalagahan at wag kalilimutan. Paalam na ba kaibigan?
Pagpapahalagang Moral, talumpati
Isang
magandang umaga sa inyong lahat. Lubos akong nasisiyahan na makita kayong lahat
sa natatanging okasyon na ito. Nawa’y ang lahat ng aking sasabihin ay kumintal
sa inyong puso’t isipan.
Totoo
ngang nabubuhay na tayo sa napakamodernong panahon. May mga bagay na tila ba
normal na lamang. Mayroon tayong pagpapahalagang moral na tila ba naisasantabi
na. Ano ba ang pagpapahalagang moral o moralidad? Ito ang matalinong pagpili sa
tama o mali. Ang 6 na pagpapahalagang moral na ito ay ang mga sumusunod. pag-ibig sa Maylikha, pagrespeto sa awtoridad,
pagpapahalaga sa buhay, pagpanig sa katotohanan, tamang paggamit ng mga
materyal na bagay, at pagrespeto sa kasarian ng bawat indibidwal.
Ang
paninigarilyo, paggamit ng droga/marijuana, pag-inom, at pakikipagtalik ng
hindi kasal. Ang mga ito ay nagpapatunay na hindi pagrerespeto ng buhay. Ang
ilan ay naninigarilyo dahil pampawala stress raw, alam nyo ba na ang nikotina
ay nagdaragdag lamang ng stress hormone. Naaapektuhan rin nito ang baga mo, bato,
at puso na maaaring mauwi sa kanser. Mayroon ring mga tao ang pinipiling gumamit
ng marijuana dahil mas ligtas raw ito kumpara sa sigarilyo. Isang kamalian. Sa
katunayan mas marami ng limang beses ang nakalalasong carbon monoxide ng
marijuana. Sa pag-inom naman ay nagkukulang ng oxygen ang utak na dahilan ng
pagkasira ng mahahalagang sangkap ng katawan. Sa pakikipagtalik ng hindi kasal,
ayon nga sa isang DJ na si Papa Jack, ang mga babae o lalaki man ay napagastos
sa mga kagamitan para katawan. Kaya
huwag mong ibibigay ng libre ito sa kung sino man. Para mo na ring pinababa ang
halaga mo. Hayaang bayaran/ pagsikapan ito sa pamamagitan ng kasal.
Nariyan
rin ang kawalan ng pag-ibig sa katotohanan. Isa riyan ang pangongopya. Sa
simpleng pagtanong mo pa lamang ng sagot tuwing pagsusulit sa iyong katabi ay
hindi ka na nagiging totoo sa iyong sarili.
Ang
huli ay ang kawalan ng takot sa Panginoon. Kung ang isa ay walang takot sa
Diyos, madali na lamang para sa kanyan ang suwayin ang kanyang mga magulang o
kahit sino pang nakatataas sa lipunang kinabibilangan.
Mayroon
3 paraan na makatulong sa inyo upang malampasan ang mga ito.
Una,
mag-isip. Isipin ang maaaring maging epekto nito kung ikay magpapadala sa iba.
Maaaring maging masaya ka nga ngunit panandaliang kaligayan lamang ito na
maaring mauwi sa kapahamakan. Ikalawa, magplano. Kapag ginigipit ka ng iba,
pagplanuhan mo kung ano ang sasabihin at gagawin mo. Ipaliwanag mo sa kanila
ang paniniwala mo sa mahinahong paraan. Ikatlo, manindigan. Hindi ka nila
titigilan sa panggigipit sa’yo. Pero kung mapapanindigan mo ang iyong
paniniwala. Maaari mo silang tanggihan ng hindi naman nasa tonong naghahanap ng
away.
Maaaring
naiisip mo na mahirap abutin ang mga pagpapahalagang moral na ito. Dapat kang
makipagsabayan sa iba upang patunayan na magaling ka at kaya mo rin ang
ginagawa nila. Madalas kang naprepressure. Huwag kang mag-alala, hindi lamang
ikaw ang nakararanas ng ganito. Ngunit kahit ganun marami pa rin ang nagawang
mapagtagumpayan ang pressure ng mga taong nasa paligid nila. Sana, ikaw rin.
Kaya mo ba?
Sanggunian:
Ang mga tanong ng mga kabataan, mga sagot na lumulutas TOMO 1 AT 2. Aklat ng
mga Saksi ni Jehova.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)